Naging matagumpay ang pagbubukas ng School Year 2017-2018 ngayong Lunes sa buong lalawigan ng Romblon, ayon sa pamunuan ng Department of Education Division of Romblon.
Sa bayan ng Odiongan South Central Elementary School sa bayan ng Odiongan, pangkaraniwan nalang ang mga sitwasyong may mga bagong mag-aaral na umiiyak o di kaya ay ayaw malayo sa mga magulang.
Ang ilang mga bata sa kindergarteen ng nasabing paaralan, halos hindi maiwan ng mga magulang. Kaya ang ilang mag magulang nag-antay nalang sa labas ng mga silid aralan.
Sa bayan naman ng Romblon, pinangunahan mismo ni Schools Division Supperintendent Roger Capa ang pagbubukas ng klase sa Romblon National High School.
Ayon sa Facebook post ni Capa, pinapanalangin niya na bigyan ng wisdom at lakas ng Panginoon ang lahat para sa magandang kinabukasan.
Kanya ring binati ang mga lahat ng school heads, guro, at mga estudyante sa kanyang facebook post.