Tiklo sa kamay ng kapulisan sa bayan ng Magsaysay, Occidental Mindoro ang itinuturo nilang number one most wanted person ng nasabing bayan sa bisa ng isang warrant of arrest na nilabas ng Regional Trial Court Branch 46.
Kinilala ang suspek na si Amjun Deyta Indap.
Naaresto ang suspek sa Brgy. Sto. Niño, Sablayan, Occidental Mindoro nitong June 23.
Ayon sa Regional Police Office MIMAROPA, ang nasabing wanted person ay wanted sa di umanoy pangagahasa sa isang 35-year old mentally ill woman noong September 2015.
Pinasok umano ng suspek ang bahay ng biktima tsaka nito umano ginahasa.
Ayon sa pamilya ng biktima, napansin lang umano nila na may nangyari sa biktima matapos na umiba ang galaw nito at nang patingnan sa municipal health officer napag-alaman ng pamilya na buntis na pala ang biktima.