Arestado ang dating Barangay Kagawad ng Barangay Capaclan sa Romblon, Romblon matapos na positibo umanong mabilhan ng shabu ng mga tauhan ng Municipal Drug Enforcement Unit ng Romblon MPS at Police Provincial Office, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at Philippine Coast Guard.
Kinilala ang suspek na si Andres Aliño Madeja, 40, at residente ng Barangay Capaclan. Nadakip umano sa nasabing barangay si Madeja nitong June 05, bandang alas-3 ng hapon.
Nakuha sa kanya ang P1,000 marked money at dalawang sachet na may pinaghihinilaang shabu.
Ayon sa pulisya, si Madeja ay Top 3 sa listahan ng High Value Target sa operasyon sa iligal na droga sa buong lalawigan ng Romblon.
Dinala na ang suspek sa Romblon Municipal Police Station para ikulong at nakatakdang iharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002.