Sinampahan ng kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide ang boat captain at mga crew ng lumubog na M/B Alad Express 2 nitong Biyernes.
Yan ang pahayag ni Romblon deputy police chief Sr. Inspector Ledilyn Ambonan ng makapanayam ng pahayagang Inquirer nitong Sabado.
Kinilala ng Regional Police Office MIMAROPA ang mga crew na sina Romano Montojo, Herbert Alcantara, at Rickey Mariveles, habang ang boat captain naman ay si Napthalie Molina.
ADVERTISEMENT