Tiklo sa kamay ng kapulisan sa Calapan City, Oriental Mindoro ang isang barangay kagawad matapos mabilhan di umano ng droga nitong madaling araw ng May 31.
Ayon sa Regional Police Office MIMAROPA, ang suspek ay kinilalang si Cesa Manalo, 58-years old, Barangay Kagawad ng Barangay Lalud ng nasabing bayan.
Nakuha umano sa suspek ang aabot sa 8 sachet na pinaghihinilaang may lamang shabu, at limang piraso ng Php 100 na marked money ng pulisya.
Nakakulong na ang suspek sa Regional Police Drug Enforcement Unit (RPDEU) ng Regional Police Office MIMAROPA sa Oriental Mindoro.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165.