Isang babae ang naaresto matapos makuhaan umano ng mga tauhan ng Oriental Mindoro Provincial Jail ng shabu ng ito ay dumalaw sa kulungan nitong alas-4 ng hapon ng June 07.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Calapan City Police Station, may dala umano ang suspek na 2 pcs ng heat-sealed transparent plastic na may lamang di umanong shabu, 1-pc ng coin purse, 3 pcs ng aluminum foil strip, 1 pc lighter, at pera na aabot sa P260.
Kinilala ang suspek na si Lunin Naling Guimbao, 37 year old.
Bibistahin niya umano sana ang live-in partner niya na nakakulang na kinilalang si Ivan Garcillano na nadakip sa buy-bust operation ng Calapan City Police Station noong nakaraang taon.
Nakuha umano ang dalawang sachet ng shabu sa coin purse ng babaeng suspek.
Nakakulong na ngayon sa Calapan City Police Station ang nasabing suspek para sa kakaharaping kasong paglabag sa Republic Act 9165 o sa Dangerous Drugs Act of 2002.