Kabilang ang isang batang sangol sa namatay sa paglubog ng M/B Alad Express 2 sa dagat na sakop ng Barangay Agbudia, Romblon, Romblon kahapon.
Ayon sa report ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office, ang bata ay nabitawan ng kanyang magulang nang tumaob ang sinasakyang pumpboat.
Kinilala ang batang sangol na si James Mingo habang ang kanyang kuya na si Johnmark Mingo na kasama niyang nalunod ay namatay rin.
Maliban sa bata kasamang namatay sa aksidente ang Doctor ng Sibuyan Island na si Dr. Laudemir Famarin.
Inilala si Famarin ng kanyang mga kaibigan bilang isang tatay dahil kahit anong oras umano ay lagi siyang nasa Sibuyan District Hospital upang gumamot ng pasyenteng nangangailangan ng tulong.
Patay rin sa aksidente sina Josephine Mutia,Evangeline Chedera, Anacel Macalipay, Melly Mendezabal, at si Cristelle Jane Hawod.