Nagpulong na ang mga magiging bahagi ng paghahanda sa gaganaping MIMAROPA Festival sa bayan ng Odiongan sa Tablas, Romblon sa paparating na Nobyembre.
Sa unang pagpupulong na ginanap kanina sa Governor’s Sub-Office sa Odiongan, binigyan ng task ng Organizer ng MIMAROPA Festival ang ilang dumalo.
Ang MIMAROPA Festival na gaganapin sa Odiongan sa darating na November 20-25 ngayong taon ay inaasahang dadayuhin ng aabot sa 5,000 mga turista galing sa Mindoro, Marinduque, Palawan at ilang karatig probinsya.
ADVERTISEMENT