Dead on arrival sa Narra Hospital sa Palawan ang Officer-In-Charge ng Community Environment & Natural Resources Office (CENRO) ng Narra, Palawan matapos na pagbabarilin habang pauwi sa kanyang bahay nitong May 22.
Ayon sa Regional Police Office MIMAROPA, pauwi na umano ang biktima na kinilalang si Fernando Padilla Alejo ng barilin ng mga lalaking nakasakay sa motorsiklo sa may bahagi ng Aglipayan Church sa Barangay Poblacion, Narra, Palawan.
Nagtamo ng tama ng bala ang biktima sa kanyang ulo na agad niyang ikinamatay.
Nakuha sa crime scene ang apat na empty shells ng Caliber 45 pistol, one unit ng Honda Motorcycle at backpack na may lamang belongings ng biktima.
Patuloy na iniimbestigahan ng Narra Municipal Police Station ang krimen.