Kinansela na ng Philippine Coast Guard ang mga biyahe ng barko patungo at palabas ng lalawigan ng Romblon ngayong araw dahil sa banta ng bagyong #CrisingPH.
Sa taya ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration, maaring dumaan ang bagyo sa mga probinsya ng Southern Luzon kasama ang Masbate, Romblon, at Mindoro.
Batay naman sa 4 a.m. weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 220 kilometers east ng Guiuan, Eastern Samar. Taglay nito ang lakas na 55kph na may bugsong 68kph.
Pinagbabawalan na ng awtoridad na maglayag sa isang lugar ang isang sasakyan pandagat sa tuwing may storm signal na nakataas rito.