Kinasuhan sa Sandiganbayan ng Office of the Ombudsman ang dating alkalde ng bayan ng Concepcion, Romblon na si Ex-Mayor Lemuel Cipriano dahil umano sa unlawful appointment ng isang municipal officer.
Ayon sa Ombudsman, si Cipriano ay kinasuhan ng one count ng violation ng Article 244 ng Revised Penal Code.
Sinabi ng Office of the Ombudsman na “willfully, unlawfully and criminally” ang pagkakatalaga kay Diosdado Atillano bilang administrative officer ng bayan noong 2013 kahit umano “ineligible” si Atilano dahil tumakbo si Atilano noong May 2013 election at natalo umano ito.
Violation umano sa Section 94(b) ng RA 7160 ang pagkakatalaga kay Atilano.
{googleads right}
Walang piyansa sa nasabing kaso.