Sa bilang na 217 kontra sa 54, naipasa na sa final reading sa House of the Representatives ang pagbabalik sa parusang kamatayan sa mga mahahatulang guilty sa mga krimen na may kinalaman sa iligal na droga.
Kabilang sa 217 na Congressmen at Congresswomen na pumabor sa Death Penalty Bill ay si Romblon Congressman Emmanuel ‘Toto’ Madrona.
Ang ilan namang kongresistang hindi pumabor sa pagbabalik ng Death Penalty ay sina dating Pangulong at ngayong Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo, Ilocos Norte Second District Representative Imelda Marcos at Batangas Representative Vilma Santos.
{googleads right}