Nadagdagan pa ang mga stranded na pasahero sa Romblon Port ngayong umaga, umakyat na sa mahigit 150 katao ang stranded sa pantalan matapos na kanselahin ang lahat ng byahe ng roro na patungong Aibuyan Island, Romblon ngayong araw dahil sa banta ng bagyo.
Ang mga pasahero ay patungo sanang Sibuyan Island galig Tablas Island, Romblon Island, at ang ilan ay galing pang Batangas na umuwi sana para sa pasko.
Ayon sa Coast Guard Station Romblon, pinapayagan pa naman sana nilang bumiyahe ang mga barko ngunit mismong Shipping Lines na ang nag desisyon na kanselahin ang byahe ngayong araw.
Inaasahang sa terminal na ng Romblon Port magpapasko ang mga stranded.
Sa ngayon, maganda pa ag panahon na nararanasan sa lalawigan bagamat may nararanasang ng pag-uulan ngunit hindi naman ito tumatagal.