Pormal na ipinahayag ng Pamahalaang Bayan ng Magdiwang ang pasasalamat nito sa Philippine Coast Guard (PCG) at kay Cong. Eleandro Jesus “Budoy” Madrona sa suporta sa muling pagpapailaw at pagpapatakbo ng parola sa Port of Ambulong.
Isinagawa ang pag-abot ng kopya ng Municipal Resolution No. 26-187 kasabay ng courtesy visit ni Sangguniang Bayan Member Ado Tansiongco.
Pinagtibay ng Sangguniang Bayan ang resolusyon sa ika-59 nitong Regular Session noong September 1, 2026. Inihain ito ni Tansiongco at pinagtibay ng lahat ng kasapi ng konseho.
Binigyang-diin sa resolusyon ang mahalagang papel ng parola sa kaligtasan sa paglalayag, partikular para sa mga mangingisda, mangangalakal, pasahero at iba pang manlalayag na gumagamit ng Port of Ambulong.
Ayon sa resolusyon, nagsisilbing gabay at proteksiyon ang parola sa mga naglalayag, lalo na sa gabi at sa panahon ng masamang lagay ng panahon.
Itinuturing ng Pamahalaang Bayan ng Magdiwang ang muling pagpapagana ng pasilidad bilang mahalagang hakbang para sa kaligtasan sa dagat, kabuhayan at mas maayos na paglalakbay ng mga mamamayan


























Discussion about this post