Sinuportahan ng Provincial Peace and Order Council (PPOC) at Provincial Anti-Drug Abuse Council (PADAC) ng Romblon ang pagpapatupad ng Nationwide Simultaneous School Safety Drill for Active Attack Incidents bilang bahagi ng mga hakbang upang mapalakas ang seguridad at kahandaan ng mga paaralan sa lalawigan.
Ito ang kabilang sa mga pangunahing usaping tinalakay sa 3rd Quarter Joint PPOC-PADAC-ELCAC/PTF Meeting na isinagawa ngayong September 3, 2026 sa PGR Extension Office sa Barangay Rizal, Odiongan.
Sa pagpupulong, inendorso ang Joint PPOC/PADAC Resolution No. 2026-06-05 na sumusuporta sa pagsasagawa ng nationwide school safety drill na nakatuon sa mga posibleng active attack incidents sa mga paaralan.
Layunin ng drill na mapalakas ang kahandaan ng mga mag-aaral, guro, school personnel at iba pang stakeholders sa wastong pagtugon sa mga insidenteng maaaring magbanta sa kaligtasan sa loob at paligid ng mga paaralan.
Binigyang-diin din sa pagpupulong ang kahalagahan ng koordinasyon ng mga security forces, local government units, paaralan at iba pang partner agencies upang matiyak ang maayos na pagpapatupad ng mga hakbang pangkaligtasan.



































Discussion about this post