Nilinaw ni Sangguniang Panlalawigan Member Ricmel Falqueza na tig-10 kilo lamang ng bigas ang matatanggap ng bawat benepisyaryo sa buong lalawigan, kasunod ng kumakalat na impormasyon na may ilang bayan umanong namamahagi ng 15 kilo.
Ayon kay Falqueza, pare-pareho ang dami ng bigas na nakalaan sa bawat benepisyaryo mula sa pamahalaang panlalawigan, anuman ang bayan kung saan ito ipinamamahagi.
Ipinaliwanag din niya na nakabatay sa datos ng Community-Based Monitoring System (CBMS) ang pagpili sa mga makatatanggap ng ayuda.
Hinimok din ni Falqueza ang publiko na patuloy na magsikap na magkaroon ng sariling pinagkukunan ng pagkain at kabuhayan, sa halip na umasa lamang sa ayuda ng pamahalaan.


























