Namahagi ng food packs ang Corcuera Municipal Police Station (MPS) sa mga piling benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa Barangay Ambulong, Corcuera, Romblon noong September 2, 2026.
Isinagawa ang pamamahagi kasunod ng crime prevention awareness activity para sa mga benepisyaryo bilang bahagi ng paggunita sa 32nd National Crime Prevention Week na may temang “Strengthening Civilian Oversight and Collective Action for Safer Communities.”
Pinangunahan ni PMSg Erlyn F. Festin, Police Community Relations (PCR) Non-Commissioned Officer (PNCO), ang crime prevention lecture na nakatuon sa Crime Prevention Strategies.
Tinalakay sa aktibidad ang mahahalagang hakbang para sa personal na kaligtasan, pagiging mapagmatyag sa kapaligiran, tamang pag-uulat ng mga kahina-hinalang gawain, at aktibong pakikilahok ng komunidad sa pagpigil sa krimen.
Hinimok din ang mga benepisyaryo na makipagtulungan sa law enforcement authorities at iba pang community stakeholders upang makatulong sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa kanilang lugar.
Matapos ang lecture, personal na ipinamahagi ni PMSg Festin ang food packs sa mga kalahok bilang bahagi ng police-community engagement ng Corcuera MPS.
Patuloy namang nagsasagawa ang Corcuera MPS ng mga aktibidad na naglalayong palakasin ang ugnayan ng pulisya at komunidad, habang nagbibigay ng kaalaman at suporta sa mga mamamayan para sa mas ligtas na pamayanan.



































Discussion about this post