Isa si Romblon lone district Rep. Eleandro Madrona sa 98 miyembro ng Kamara de Representantes na tatanggap ng pagkilala matapos magtala ng perfect attendance sa lahat ng 39 plenary sessions ng First Regular Session ng 20th Congress.
Ang pagkilala ay inihahanda ng House Ethics and Privileges Committee bilang pagkilala sa mga mambabatas na nagpakita ng good conduct at disiplina sa pagtupad ng kanilang tungkulin.
Ayon kay Committee Chair JC Abalos, hindi lamang imbestigasyon sa mga reklamo at pagsasagawa ng disciplinary action ang mandato ng komite. Kabilang din dito ang pagkilala sa mga mambabatas na nagpapakita ng mabuting asal at disiplina sa kanilang serbisyo.
Aniya, ang ethics ay hindi lamang tungkol sa pagpaparusa sa maling gawain kundi maging sa pagtataguyod ng pamantayan para sa maayos na serbisyo publiko.
“This isn't about rewarding people simply for coming to work. It's about setting a culture. Today we recognize 98. Hopefully, that number grows every year until perfect attendance is no longer exceptional—it is simply what the public expects, and what Congress expects of itself,” saad ni Abalos.



































Discussion about this post