Inapela ng Anahao-Canduyong-Tubigon Farmers’ Association (ACTFA) at ilang magsasaka ang desisyon ng Municipal Circuit Trial Court (MCTC) ng Odiongan-Ferrol na nagbasura sa kanilang kasong forcible entry laban kina Atty. Javie De Jesus-Fruelda, Ralph Molina Fruelda at Engr. Paul Anthony Iringan kaugnay ng mga bahagi ng Buyco Estate.
Ayon sa mga magsasaka, hindi sila sang-ayon sa naging pasya ng korte at patuloy nilang ipaglalaban ang lupain.
Ang kasong forcible entry ay nakasentro sa usapin ng prior physical possession o possession de facto, at hindi sa pagdedesisyon kung sino ang tunay na may-ari ng lupang pinagtatalunan.
Maalalang sa 45-pahinang desisyon na may petsang Agosto 17, 2026, sinabi ng hukuman na hindi napatunayan ng mga nagsakdal na mayroon silang aktuwal at naunang pisikal na posesyon sa mga partikular na bahagi ng Lot No. 3675 na kanilang inaangking pinasok at inagaw sa kanila.
Dahil dito, ibinasura ng korte ang amended complaint para sa forcible entry at itinanggi rin ang mga counterclaim ng mga nasasakdal para sa danyos at attorney’s fees.



































Discussion about this post