Dalawang pamilya mula sa Barangay Lawan ang inilikas nitong Sabado matapos bahain ang kanilang lugar dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan na dulot ng Habagat na pinalalakas ng Bagyong Inday.
Ayon kay Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer (MDRRMO) Cipriano Marcelo, inilipat ang mga apektadong pamilya sa mas ligtas na lugar bilang pag-iingat sa patuloy na pagtaas ng tubig-baha.
Bukod sa Barangay Lawan, nakapagtala rin ng pagbaha sa Barangay Madalag at Barangay Gui-ob, kung saan patuloy na minomonitor ng mga lokal na awtoridad ang sitwasyon upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente at maiwasan ang mas malawak na pinsala.
Nananatili namang nakaalerto ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at patuloy na binabantayan ang lagay ng iba pang barangay habang nakaantabay ang mga responder para sa agarang pagtugon sa anumang insidenteng dulot ng masamang panahon.



































Discussion about this post