Suspendido ang klase mula April 3 hanggang 5 sa mainland ng Occidental Mindoro dahil sa hindi maayos na takbo ng kuryente sa kanilang lugar.
Ito ay base sa Executive Order No. 20 na nilagdaan ni Occidental Mindoro governor Eduardo Gadiano.
Ayon sa EO, suspendido ang klase sa lahat ng antas sa mga pribado at pampublikong paaralan dahil sa hindi maayos na epekto sa mga residente ng mahabang oras na power interruption sa mga mag-aaral at kawani ng mga paaralan.
Ang probinsya ay patuloy na nakakaranas ng 16 hanggang 20 oras na scheduled power interruption bawat araw.


































