Nakaramdam ng pagyanig ng lupa ang mga residente ng Romblon, Romblon bandang 8:56 ngayong gabi matapos yanigin ng magnitude 2.2 na lindol ang lugar.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang sentro ng lindol ay naitala sa layong 18km South East ng Romblon, Romblon.
Tectonic ang pinagmulan ng lindol na naramdaman sa ilang bayan sa Tablas.
Walang inaasahang aftershocks at damages ang nasabing lindol.


































