Sumailalim sa tatlong araw na Advance Fishery Law Enforcement Training (AFLET) ang mga fishery law enforcement personnel sa Odiongan, Romblon, na isinagawa noong Nobyembre 16–18, 2026, sa Barangay Tumingad upang higit na mapalakas ang kanilang kakayahan sa pagpapatupad ng mga batas pangisdaan.
Pinangunahan ng Municipal Agriculture Office (MAO) ng Odiongan, katuwang ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), ang pagsasanay na naglalayong mapalawak ang kaalaman at kasanayan ng mga kalahok sa pagpapatupad ng mga regulasyon sa pangisdaan at pangangalaga sa yamang-dagat.
Kabilang sa mga paksang tinalakay ang criminal investigation, investigative science, paggamit ng Global Positioning System (GPS), marine mammal stranding, surveillance, sea-borne operations, pre-boarding procedures, risk assessment, at wastong pamamaraan ng boarding at investigation.
Nagsagawa rin ng scenario-based workshops at mga praktikal na pagsasanay upang maihanda ang mga kalahok sa aktuwal na operasyon at mga sitwasyong maaari nilang kaharapin sa pagpapatupad ng mga batas pangisdaan.
Sa pamamagitan ng pagsasanay, inaasahang higit na mapalalakas ang kakayahan at kahandaan ng mga lokal na fishery law enforcement personnel sa pagpapanatili ng kaayusan sa municipal waters at pagprotekta sa yamang-dagat ng Odiongan.
Patuloy na isinusulong ng lokal na pamahalaan, katuwang ang BFAR, ang mga programang naglalayong pangalagaan ang marine resources at tiyakin ang responsableng pamamahala sa sektor ng pangisdaan.


























