Umabot sa 418 ang bilang ng mga business establishment sa San Andres, Romblon noong 2026, mula sa 272 noong 2020, batay sa datos ng Business One-Stop Shop (BOSS) renewal period, ayon sa ualt ng Department of Information and Communications Technology (DICT) MIMAROPA.
Katumbas ito ng tinatayang 54 porsiyentong pagtaas sa bilang ng mga negosyo sa loob ng nasabing panahon.
Samantala, umabot sa humigit-kumulang ₱1.8 milyon ang revenue na nakolekta sa panahon ng BOSS renewal noong 2026, mula sa nasa ₱780,000 noong 2020, o tinatayang 131 porsiyentong pagtaas.
Batay sa datos ng DICT MIMAROPA, pinakamataas noong 2026 ang naitalang bilang ng business establishments at revenue sa loob ng panahong ipinakita.
Kasabay nito, ipinagpapatuloy ng lokal na pamahalaan ng San Andres ang digitalization ng mga serbisyo nito sa pamamagitan ng eLGU System.
Kabilang na rito ang Barangay Business Clearance na isinama sa sistema, kung saan 13 barangay na ang integrated at nabigyan ng training para suportahan ang mas streamlined na proseso ng business permitting.
Inihahanda rin ng LGU ang implementasyon ng karagdagang digital services, kabilang ang Building Permit at Certificate of Occupancy, na nakatakdang isunod matapos ang kinakailangang training at paghahanda.
Naging operational ang eLGU System sa San Andres noong 2025 at ginagamit sa pagsasagawa ng local government transactions at paghahatid ng digital services.


























