Namahagi ang Lokal na Pamahalaan ng Cajidiocan ng karagdagang school supplies sa 18 mag-aaral na may Special Needs Education (SNED) ng Cajidiocan Central Elementary School.
Pinangunahan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa ilalim ni Marie Antoinette T. Perez, RSW, ang aktibidad na isinagawa kamakailan sa paaralan. Kasama rin sa pagbisita sina Persons with Disability Affairs Office (PDAO) Focal Person Noel F. Delgado at Civil Society Organization (CSO) Desk Officer Jason Fadriquela.
Isinagawa ang pagbisita alinsunod sa direktiba ni Municipal Mayor Atty. Marvin Ramos upang malaman ang kasalukuyang kalagayan ng mga pasilidad at matukoy ang mga pangunahing pangangailangan ng mga mag-aaral na kabilang sa SNED program.
Tinanggap ng mga mag-aaral at kanilang mga magulang ang karagdagang school supplies na ipinamahagi ng LGU.
Mainit namang tinanggap ng pamunuan ng paaralan ang delegasyon ng lokal na pamahalaan, sa pangunguna nina Principal II Marissa I. Repe at SNED Teacher Susan R. Iglesias.
Ayon sa LGU-Cajidiocan, bahagi ng kanilang mga programa ang patuloy na pagbibigay ng suporta sa mga mag-aaral na may special needs upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan at maisulong ang inklusibong edukasyon sa bayan.



































Discussion about this post