Inanunsiyo ng Malacañang ang pansamantalang pagsuspinde ng pasok sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan sa Disyembre 29, 2025 at Enero 2, 2026, alinsunod sa Memorandum Circular No. 111 na inilabas kamakailan.
Ayon sa Malacañang, layon ng hakbang na ito na bigyan ng sapat na panahon ang mga kawani ng gobyerno upang makapagdiwang ng Bagong Taon kasama ang kanilang mga pamilya. Isa rin umano itong pagkakataon para makapagpahinga at makapaglakbay ang mga empleyado matapos ang buong taong paglilingkod sa publiko.
Nilinaw naman na mananatiling bukas at operational ang mga ahensiyang may kinalaman sa emergency response, disaster preparedness, at iba pang mahahalagang serbisyo upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng mamamayan.
Samantala, ipinaubaya ng Malacañang sa mga pribadong kumpanya at establisyemento ang pagpapasya kung magsususpinde rin sila ng pasok sa mga naturang petsa.




































Discussion about this post