Arestado ang tatlong babae matapos mahuling naglalaro ng baraha na may kasamang pustahan sa Barangay Calunacon nitong Linggo, ayon sa ulat ng San Andres Municipal Police Station (MPS).
Narekober ng mga pulis mula sa mga suspek ang pera, baraha, playing table, at mga upuan na ginamit sa naturang aktibidad.
Isinagawa ang imbentaryo ng mga nakumpiskang ebidensya sa harap ng mga opisyal ng barangay Poblacion at Calunacon.
Ayon sa pulisya, ipinaalam sa mga naaresto ang kanilang karapatan sa ilalim ng Miranda Doctrine at Anti-Torture Act bago dinala sa San Andres MPS para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.
Ang tatlong suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 o ang batas laban sa ilegal na pagsusugal.
Discussion about this post