Inanunsyo ng ISIAH Hospital & Medical Center na ito na ang kauna-unahang health facility sa buong MIMAROPA na accredited sa PhilHealth-GAMOT program ng pamahalaan, na nagbibigay ng libreng gamot sa mga miyembro hanggang ₱20,000 kada taon sa ilalim ng YAKAP (Yaman ng Kalusugan Program).
Sa bagong programa ng PhilHealth, maaaring makuha ng mga miyembro ang mga pangunahing at maintenance na gamot tulad ng para sa hypertension, diabetes, hika, at iba pang chronic diseases, basta’t may reseta mula sa PhilHealth-accredited doctor.
Mula sa dating 21 uri ng gamot sa ilalim ng Konsulta Package, pinalawak ng YAKAP ang listahan sa 75 uri ng gamot na saklaw ng GAMOT benefit. Kapag naireseta, maaaring kunin ng pasyente ang gamot sa accredited pharmacy tulad ng sa ISIAH Hospital — direktang sisingilin ito sa PhilHealth, kaya’t wala nang kailangang ilabas na pera ang miyembro.
Pagkatapos tumanggap ng gamot, makatatanggap ang miyembro ng resibo o dokumento na nagpapakita ng natitirang balanse mula sa kanilang ₱20,000 annual allocation para madaling mamonitor ang paggamit ng benepisyo.
Hinimok ng PhilHealth ang lahat ng miyembro na i-update ang kanilang records at pumili ng YAKAP-accredited provider mula sa 23 health facilities sa lalawigan, kabilang ang halos lahat ng ospital at rural health units sa Romblon.
Ang YAKAP program ay bahagi ng Universal Health Care (UHC) Law, na layuning gawing abot-kamay at abot-kaya ang serbisyong medikal para sa lahat ng Pilipino, lalo na sa mga malalayong probinsya gaya ng Romblon.
Narito ang listahan ng mga gamot:
Discussion about this post