Isang ginang ang nasawi habang nakapila para magpalista sa ipinamamahaging ayuda ng pamahalaan sa bayan ng San Andres nitong Sabado.
Ayon sa ulat, ang biktima, residente ng Barangay Tan-Agan, ay pumunta sa munisipyo upang magsumite ng mga requirement para mapabilang sa listahan ng mga benepisyaryo. Habang naghihintay sa pila, bigla umano itong inatake sa puso.
Agad siyang isinugod sa ospital ng mga rumespondeng residente at kawani ng lokal na pamahalaan, ngunit idineklara itong dead on arrival ng mga doktor.
Sa opisyal na pahayag ng Lokal na Pamahalaan ng San Andres, nagpahayag ito ng pakikiramay sa pamilya ng nasawi at ipinaliwanag na may medical condition umano ang ginang ngunit pinili pa ring personal na pumunta sa munisipyo upang magpasa ng mga dokumento.
Discussion about this post