Haharangin pa rin ng Lokal na Pamahalaan ng Romblon ang mga malalaking commercial fishing boat na mangisda sa kanilang municipal waters, alinsunod sa Municipal Ordinance No. 13-2025 na nagdedeklara sa buong municipal waters ng bayan bilang Eco-Tourism and Research Marine Protected Area.
Ayon kay Sangguniang Bayan member Miguel Montojo, nilalaman ng ordinansa na limitado lamang ang access ng mga commercial fishing boat sa municipal waters at kinakailangan munang kumuha ng permit mula sa LGU bago mangisda.
P50 ang bayad sa permit para sa maliliit na mangingisda na tinatawag na fisher-researchers, habang aabot naman sa P300,000 at maraming dokumento ang kinakailangan sa aplikasyon ng mga commercial fishing boat. Ang permit ay may bisa ng isang taon.
May bayad din ang permit para sa mga academe researchers at eco-tourism operators gaya ng freediving at scuba diving services.
“Kapag ang aplikante, gaya ng commercial o semi-commercial fishing boats, ay napag-alamang wala talagang intensyon na magsagawa ng research, puwedeng i-reject ang kanilang aplikasyon at hindi sila makakapangisda sa ating marine protected areas,” paliwanag ni Montojo.
Dagdag pa niya, isasama ang mga lokal na mangingisda sa local livelihood feasibility at research study alinsunod sa ordinansa upang matiyak na patas at makatarungan ang mga aktibidad at maiwasan ang pang-aabuso sa yamang-dagat ng bayan.
Maalalang noong August 2024, pinal na nagpasa ang Korte Suprema sa isang desisyon na nagpapahintulot sa commercial fishing vessels na pumasok sa loob ng 15-kilometrong municipal waters, na dating nakalaan para sa maliliit na mangingisdang komunidad




































