Nagsagawa ang Department of Labor and Employment (DOLE) MIMAROPA ng Information and Service Caravan on Child Labor Prevention and Elimination Program kamakailan sa Magsaysay Park, Barangay Capaclan, Romblon, Romblon, bilang bahagi ng pagpapatibay ng kampanya laban sa child labor sa lalawigan.
Layunin ng programa na magbigay ng kaalaman, serbisyo, at tulong sa mga pamilya upang matiyak ang kaligtasan at karapatan ng mga bata, gayundin ang pagtataguyod ng isang child labor-free na komunidad.
Dinaluhan ang aktibidad ng mga opisyal mula sa lokal at rehiyonal na pamahalaan na nagbigay suporta para labanan ang child labor sa probinsya.
Sa nasabing programa ipinaliwanag ng mga opisyal ng DOLE ang iba't ibang programa nila na makakatulong sa mga magulang para hindi na pagtrabahuin ang mga kanilang mga anak.
Lubos namang nagpahayag ng pasasalamat ang mga residente sa programa dahil nakikita nila itong magbibigay ng proteksyon, kaalaman, at dagdag na pag-asa para sa kanilang mga anak.



































