Inanunsyo ni top Filipino pole vaulter EJ Obiena na gaganapin sa Pilipinas ang isang world-class pole vault tournament na pinamagatang Atletang Ayala World Pole Vault Challenge sa September 20–21, 2025 sa Ayala Triangle Gardens, Makati City.
Ito ang magiging ikalawang beses na magho-host ang bansa ng isang malaking pole vault event matapos ang 2019 Southeast Asian Games. Ang torneo ay may sanction mula sa World Athletics, Asian Athletics, at Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA).
Hindi pa ibinunyag ni Obiena ang mga pangalan ng mga opisyal na kalahok, ngunit sinabi niyang patuloy siyang nagpapadala ng imbitasyon sa mga pole vaulter mula sa iba’t ibang bansa. Kabilang dito ang German vaulter Oleg Zernikel at ang Olympic gold medalist at world record holder na si Mondo Duplantis ng Sweden.
Bukod sa pag-asang makapagbigay ng gintong medalya para sa mga Pilipino, sinabi ni Obiena na layunin din ng torneo na makahanap ng mga bagong atleta na susunod sa kanyang yapak. Ipinahinga ni Obiena ang buong 2024 dahil sa back injury. Sa kasalukuyan, siya ay World No. 4 at may hawak ng Asian record na 6.00 metro.
Bago ang event sa Pilipinas, gaganapin muna ang World Athletics Championship sa Tokyo, Japan mula September 13–21, 2025.




































