Muling isinagawa ng Romblon Police Provincial Office (RPPO) ang kanilang regular na physical conditioning program tuwing Martes at Huwebes bilang bahagi ng “Do It Yourself Body Mass Index All-Inclusive Weight Assessment and Risk Evaluation” o D.I.Y BMI A.W.A.R.E., alinsunod sa panuntunan ni Philippine National Police Chief PGen. Nicolas D. Torre III.
Ayon kay RPPO Provincial Director PCOL Rexton F. Sawi, ang ehersisyong kilala bilang “Pulisteniks” ay mahalagang hakbang upang mapalakas ang disiplina, pagkakaisa, at kalusugan ng mga tauhan ng kapulisan sa lalawigan.
Layon ng programa na masigurong physically fit at alerto ang mga pulis sa kanilang pagtupad ng tungkulin sa komunidad.
































