• RNN TV
  • RNN Radio
  • Advertise with RNN
  • About Us
  • Careers
Friday, December 26, 2025
Romblon News Network
web header ads 728x90
pmt_728x90
hb_728x90px
  • Home
  • News
    • All
    • Foreign News
    • Local News
    • National News
    • Regional News
    Tatlong menor de edad na nangangaroling, sinalpok ng lasing na rider sa Alcantara; isa, nasawi

    2 lindol naitala sa Romblon nitong bisperas ng Pasko

    Laborer, tiklo sa iligal na droga sa Odiongan

    Mga stranded sa Lucena Port, biyaheng Romblon na

    FILE. Starhorse M/V Virgin Penafrancia VII at San Agustin Port

    Starhorse Shipping Lines, naglunsad ng special trip para sa mga stranded na pasahero pa-Romblon

    DOTR nag-utos ng dagdag na biyahe pa-Romblon dahil sa stranded na pasahero sa Lucena Port

    Palace sees ‘more progressive changes’ in 2020

    Malacañang, sinuspinde ang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno sa Disyembre 29 at Enero 2

    Dating DPWH undersecretary Catalina Cabral, patay sa bangin sa Benguet

    DepEd employee sa Mindoro, patay sa saksak; asawa, sugatan

    Magpinsan, sugatan sa pananaksak ng lalaking naki-birthday sa San Jose, Romblon

  • Politics
  • Features
  • Technology
  • Op-Ed
    • All
    • Daplis Lang!
    • Editorial
    • Thought of Wisdom
    • U_Spy
    Balasahan sa DPWH dapat hanggang section chief at miyembro ng BAC

    Katapatan at Pananagutan sa Pamahalaan — Haligi ng Maunlad na Lalawigan

    “Mahiya Naman Kayo!!” Flood Control Projects, Tadtad ng Katiwalian?

    Sapantaha lang naman: “Nag-petisyon na palabasin, tapos hihirit na ‘wag munang palabasin? “

    U_Spy: Nakakabinging Speaker sa House

    Legal o Ligaw? Pagsilip sa House Arrest Resolution at Duterte Act

    Mukha ng mga politiko sa mga tarp ng proyekto ng Romblon gov’t, pinagbabawal na

    Siguradong marami ang matutuwa, malamang meron ding mga aaray!

    Isang Magandang Simula: Gob. Trina Firmalo-Fabic, tagapagbunsod ng mabuting pamamahala

    Romblon 2025: Panibagong Simula, Panibagong Pananagutan

    Mapagkakatiwalaan ba ang Senado bilang Impeachment Court?

    Huwes-Huwesan: Senador nga ba o Tuta?

  • Blogs
    • All
    • A Walk of Faith
    • Blog My Town
    • Foodie In My Tummy
    • The Trekking Jay
    • Tourism 360
    Bon Bon Beach sa Romblon, muli sa listahan ng World’s 50 Best Beaches

    MIMAROPA itinatampok bilang “destination of choice”; Romblon, binida ang marble industry at mga beach

    A Walk of Faith: Pagyakap sa Kahinaan

    A Walk of Faith: Pagyakap sa Kahinaan

    New South Korean Cuisine to shine best n BGC

    Looc houses Romblon’s first artisanal Italian gelato

    Welcome to Blog My Town

    Welcome to Blog My Town

    Bagong Food Park sa Cajidiocan, bubuksan sa August 8

    Walk of Faith: Ang Pag-iingat ng Isa ay Kaligtasan ng Lahat

    Photo Courtesy: Atty. Marvin Greggy Ramos

    Lugar na tanaw ang buong Poblacion ng Cajidiocan, patok na pasyalan

    Isang Pasasalamat Sa Kabila Ng Mga Pag-subok

  • Sports
  • eTabloid
  • Login
  • Register
No Result
View All Result

Home Op-Ed Editorial
Romblon 2025: Panibagong Simula, Panibagong Pananagutan

Romblon 2025: Panibagong Simula, Panibagong Pananagutan

Ressie Fos by Ressie Fos
June 30, 2025
in Editorial
Reading Time: 11 mins read
243
0
Share on FacebookShare on Twitter

Sa pagsisimula ng panunungkulan ng mga bagong halal na opisyal ng lalawigan ng Romblon ngayong ika-30 ng Hunyo 2025, isang panibagong kabanata ang muling nabubuksan para sa ating lalawigan. Mula sa Gobernador, Bise Gobernador, Kongresista, hanggang sa mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan at mga alkalde—lahat ay may dalang bagong mandato, bagong pangarap, at bagong pananagutan.

Nakasentro ngayon ang atensyon sa pamahalaang panlalawigan, sapagkat ito ang pangunahing tagapagsulong ng mga programa’t serbisyong direktang nakakaapekto sa pang-araw-araw na buhay ng mga Romblomanon. Ang liderato ni Gobernadora Trina Firmalo-Fabic, katuwang si Bise Gobernador Armando ‘Arming’ Gutierrez at ang buong Sangguniang Panlalawigan, ang magtatakda ng direksyon ng pamahalaan sa susunod na tatlong taon.

Kasama rin sa mahalagang haligi ng lokal na pamumuno si Congressman Eleandro Jesus “Budoy” Madrona, na may malaking papel sa pagdadala ng mga pambansang programa, imprastruktura, at pondo patungong Romblon. Ang kanyang ipinahayag na suporta sa administrasyong Firmalo-Fabic ay nagbibigay ng pag-asa ng mas matatag na ugnayan sa pagitan ng lokal at pambansang pamahalaan.

ADVERTISEMENT

Gayunpaman, gaya ng anumang pangakong pulitikal, ang pagsuporta ay kailangang patunayan sa konkretong aksyon at tuluy-tuloy na pakikipag-ugnayan sa mga pangangailangan ng probinsya.

Hindi rin lingid sa kaalaman ng marami na maaaring may umiiral pa ring tensyon sa pulitika—lalo na’t ang ilan sa mga kasapi ng sanggunian ay kaalyado ni dating Gobernador Otik Riano na kalaban ni Firmalo-Fabic nitong nakaraang eleksyon. Sa ganitong kalagayan, mahalagang maisantabi ang personal at partidong interes, at unahin ang kapakanan ng buong lalawigan. Ang sinseridad ng pagpapahayag ng pagkakaisa ay masusubok hindi sa mga salita, kundi sa gawa.

Mahalaga rin ang transparency, pakikilahok ng mamamayan, at responsableng paggamit ng pondo ng bayan. Dapat tiyakin ng pamahalaang panlalawigan na ang bawat proyekto ay makabuluhan, may konsultasyon, at malinaw ang resulta. Ang provincial government ang may pangunahing papel sa pagpaparamdam ng serbisyo sa pinakaliblib na bahagi ng ating mga isla—mula sa edukasyon, kalusugan, agrikultura, hanggang sa pangangalaga ng kalikasan at kaligtasan sa sakuna.

Ngunit ang tagumpay ng anumang liderato ay hindi lamang nakasalalay sa galing ng gobernador o ng kongresista. Nasa mamamayan din ang mahalagang papel. Hindi natatapos sa pagboto ang ating tungkulin. Kailangang manatiling mapagmasid, mapanuri, at handang makialam sa mga usaping may kinalaman sa kabutihang panlahat.

Sa bandang huli, ang Romblon ay hindi uunlad sa mga pangako lamang. Kailangan ito ng matibay na pamumuno, epektibong serbisyo, at aktibong pakikilahok ng mamamayan. Ngayong pormal nang nagsimula ang bagong administrasyon, hindi lang ito panahon ng pag-asa—ito rin ay panahon ng paniningil sa pangako.

Ang panibagong simula ay dapat magbunga ng malalim na pananagutan—sa pamahalaan, sa kinatawan ng bayan sa Kongreso, at sa bawat isang Romblomanong nagnanais ng tunay na pagbabago.

Related Posts

Katapatan at Pananagutan sa Pamahalaan — Haligi ng Maunlad na Lalawigan

Katapatan at Pananagutan sa Pamahalaan — Haligi ng Maunlad na Lalawigan

July 31, 2025
Isang Magandang Simula: Gob. Trina Firmalo-Fabic, tagapagbunsod ng mabuting pamamahala

Isang Magandang Simula: Gob. Trina Firmalo-Fabic, tagapagbunsod ng mabuting pamamahala

July 15, 2025
Mapagkakatiwalaan ba ang Senado bilang Impeachment Court?

Mapagkakatiwalaan ba ang Senado bilang Impeachment Court?

June 15, 2025
Ang Hamon ng Pamumuno ni Gob. Trina Firmalo-Fabic sa Gitna ng Oposisyon

June 1, 2025

Popular Stories

  • Tatlong menor de edad na nangangaroling, sinalpok ng lasing na rider sa Alcantara; isa, nasawi

    Tatlong menor de edad na nangangaroling, sinalpok ng lasing na rider sa Alcantara; isa, nasawi

    2267 shares
    Share 907 Tweet 567
  • Paglahok ni Jose Fabito Jr. sa Taiwan Marathon naging matagumpay

    47 shares
    Share 19 Tweet 12
  • Faeldonia pasok sa Pre-Finals ng PSC-NCFP Selection National Chess Championship

    21 shares
    Share 8 Tweet 5
  • Laborer, tiklo sa iligal na droga sa Odiongan

    259 shares
    Share 104 Tweet 65
  • 2 lindol naitala sa Romblon nitong bisperas ng Pasko

    117 shares
    Share 47 Tweet 29
Romblon News Network

We are an independent and apolitical digital media organization first ever established in the Province of Romblon.

MORE NEWS

Corcuera, niyanig ng Magnitue 2.7 na lindol

Mahigit 1,400 guro sa Romblon, sabay-sabay na na-promote ng DepEd

National Master Jasper Faeldonia, target ang National Team

TRENDING FOR THE MONTH

Tatlong menor de edad na nangangaroling, sinalpok ng lasing na rider sa Alcantara; isa, nasawi

Estudyante, patay sa banggaan ng motor at truck sa Romblon

Dalawang gwardya sa Romblon, arestado sa umano’y pamemeke ng DTR

  • Home
  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use

© 2013-2022. All Rights Reserved. Romblon News Network (RNN) and RNN.TV. Powered by Pixxelsis Digital Media

Welcome Back!

Login to your account below

Forgotten Password? Sign Up

Create New Account!

Fill the forms bellow to register

All fields are required. Log In

Retrieve your password

Please enter your username or email address to reset your password.

Log In

Add New Playlist

No Result
View All Result
  • Home
  • News
  • Politics
  • Features
  • Technology
  • Op-Ed
  • Blogs
  • Sports
  • eTabloid
  • Login
  • Sign Up