Isang bagong silang na sanggol ang natagpuang inabandona sa harap ng isang Catholic Church sa Barangay Tambac, Romblon, Romblon noong umaga ng Easter Sunday, Abril 20, 2025.
Ayon sa mga katoliko sa lugar, madaling araw habang papasok sa simbahan para sa pagdiriwang ng Muling Pagkabuhay ni Hesukristo, napansin ng ilang deboto ang isang nakabalot sa kumot. Nang ito’y lapitan, tumambad ang isang sanggol.
Isa sa mga naroroon, na isang nurse, ang agad na nagdala sa sanggol sa Romblon District Hospital upang masuri ang kalagayan nito. Ayon sa mga doktor, nasa maayos na kondisyon ang sanggol.
Nanawagan ang mga awtoridad sa sinumang may impormasyon hinggil sa pinagmulan ng sanggol na makipag-ugnayan sa barangay o sa Romblon Municipal Police Station.