Isang magandang balita para sa turismo ng lalawigan ng Romblon matapos dumaong sa bayan ng Romblon ang M/S Silver Whisper Cruise Ship ngayong Biyernes Santo.
Ang nasabing cruise ship ay may sakay na 369 na banyagang pasahero at 285 na crew members.
Ang M/S Silver Whisper ay kilalang luxury cruise ship na bahagi ng Silversea Cruises, na nag-aalok ng high-end travel experience para sa mga pasahero nitong galing sa iba’t ibang panig ng mundo.
Ang mga bisita ay bumaba sa pantalan ng Romblon at sinalubong ng mga lokal sa pangunguna ng Romblon Provincial Tourism Office at ng Romblon Municipal Tourism Office.
Nag-ikot ang mga bisita sa mga pangunahing tanawin at heritage sites sa bayan.