Pormal nang pinasinayaan ang bagong Government Center ng lalawigan nitong Linggo, kasabay ng pagdiriwang ng ika-124 na Founding Anniversary ng probinsya. Inaasahang ito ang magiging bagong tahanan ng ilang opisina ng pamahalaang panlalawigan pati na rin ng ilang tanggapan ng national government agencies.
Pinangunahan ni Governor Jose Riano ang inagurasyon kasama ang iba pang opisyal ng pamahalaang panlalawigan.
Ayon sa gobernador, malaking tulong ang bagong gusali dahil magbibigay ito ng mas maayos at mas komportableng espasyo para sa mga tanggapan ng gobyerno, na magpapadali sa transaksyon ng publiko.
May mga national government agencies na nagpahayag na ng interes na maglagay ng satellite offices dito.
Ang apat na palapag na gusali ay matatagpuan sa Gov. Fetalvero Avenue sa Barangay Capaclan. Ito ay may modernong disenyo at may kasamang elevator upang matiyak ang accessibility at kaginhawaan ng lahat ng bisita, lalo na ng mga senior citizen at persons with disabilities (PWDs).
Inaasahan magbibigay ang bagong Government Center ng mas episyenteng serbisyo publiko sa mga mamamayan ng Romblon.