Isang babaeng green sea turtle ang natagpuang walang buhay sa dagat malapit sa Gargantos Beach sa bayan ng Romblon, Romblon kaninang umaga.
Ayon sa ulat ng Pawikan Association sa Romblon, nakita ng mga bata ang patay na pawikan na palutang-lutang kaya agad silang humingi ng tulong sa mga otoridad.
Sa pagsusuri ng Municipal Environment and Natural Resources Office ng Romblon, naagnas na at mabaho na ang pawikan. Hinihinalang namatay dahil sa nakaing mga plastic ang pawikan.
Inilibing din agad ang pawikan sa lugar.