Patay na nang matagpuan ng mga residente ng Romblon, Romblon ang isang pilot whale sa Sitio Talisay sa Barangay Sablayan nitong gabi ng July 24.
Ayon sa Municipal Environment and Natural Resources Office, bandang alas-8 pa nang gabi nang makatanggap sila ng report kaya agad silang rumesponde.
Tinatayang may habang 496cm ang lalaking balyena na may bigat ng halos 3 toninalada.
Sa imbestigasyon ng MENRO Romblon, posibleng na-stranded ang balyena sa lugar at hindi na nakaalis dahil sa malakas na alon.
Hindi pa tukoy kung ano ang ikinamatay ng balyena pero posible di umanong may sugat na ito or may sakit na nang mapadpad sa lugar.
Nailibing din ang balyena sa nasabing barangay bandang alas-10 ng umaga ng July 25 sa tulong pamahalaang panlalawigan.