Inaresto ng mga tauhan ng Romblon Municipal Police Station ang anim katao mabilang ang dalawang senior citizen matapos di umanong maaktuhang nagsusugal ng pera sa larong tong-its.
Ang mga naaresto ay pawang mga residente ng Barangay Sablayan, Romblon, Romblon.
Ayon sa ulat ng Romblon Municipal Police Sttation, naaktuhan di umano nilang naglalaro ng tong-its sa isang kubo ang dalawang grupong ito dahilan para silang arestuhin.
Paglabag di umano sa Presidential Decree No. 1602 ang naaktuhan ng mga kapulisan sa lugar.
Nakuha sa mga naarestong suspek ang mga baraha, bato na ginagamit di umano nilang chips, at mahigit P2,300 na cash.
Nakakulong na ang mga suspek sa Romblon Municipal Police Station.