Sa kulungan ngayon ang isang estudyante matapos itong maaresto ng mga tauhan ng Provincial Drug Enforcement Unit at iba pang operatiba ng pamahalaan dahil sa iligal na droga nitong May 5 sa San Agustin, Romblon.
Ang suspek ay kinilalang si Ener Atanoc, 23, residente ng Romblon, Romblon.
Sa ulat ng Romblon Police Provincial Office, nabilhan di umano nila ang suspek ng isang sachet ng pinaghihinalaang shabu sa halagang P3,000.
Dinala ang suspek sa Romblon Provincial Crime Laboratory Office at ang mga nakuha di umanong droga sa kanya para sa examination bago ilipat ang custody nito sa San Agustin Municipal Police Station.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.