Nagsasagawa ng mass hiring ang Department of Education (DepEd) – Romblon para punan ang 60 posisyon sa kanilang mga paaralan bilang mga admin support staff.
Sa isang Facebook post ni Schools Division Superintendent Roger Capa, ang mga kukunin nilang admin support staff ay anim na buwang magtatrabaho sa DepEd sa ilalim ng Contract of Service system.
May sahod na P395 kada araw ang mga makukuha ng DepEd Romblon.
Ayon kay Capa, hindi kailangang may eligibility o experience ngunit kailangang ang mga papasok ay mula sa lugar kung saan ang paaralang papasukan.
Para sa listahan ng mga paaralang puwedeng pasahan ng aplikasyon, tingnan ang sumusunod: