Nasawi ang isang bakasyunista sa Romblon, Romblon matapos itong malunod sa isang beach resort Sabado ng umaga.
Kinilala ang biktima na si Jonathan Cervantes Lavilla, 33, bakasyunistang mula pa Las Piñas City.
Habang ito umanoy ay nagsno-snorkling kasama ang isang bata, bigla nalang umanong inanod ang kanilang rubber boat. Sinubukan umano nitong habulan ang rubbert boat ngunit kalaunan ay nakita na lamang ang biktimang lumulutang.
Humingi ang kasama nitong bata ng tulong sa mga tao sa lugar dahilan upang madala sa dalampasigan ang bakasyunista ngunit bigo itong mai-revive ng mga doktor na noong oras ay nandoon sa resort.