Stranded sa bayan ng Romblon, Romblon ang aabot sa halos 160 na pasahero patungong Sibuyan Island sana sakay ng MV Virgin de Peṅafrancia X matapos hindi umalis ang barko dahil sa masamang panahon.
Ang mga pasahero ay galing pa ng Lucena at Tablas Island at patungo sana ng Sibuyan sakay ng barko ng Starhorse Shipping Lines.
Dinala ang mga pasahero sa covered court ng bayan ng Romblon, Romblon para doon muna magpalipas ng sama ng panahon.
Ayon sa Romblon Municipal Police Station, naglatag na sila Police Assistance Desks sa lugar para agad na maibigay ang kailangan ng mga stranded na pasahero.
Katuwang ng mga kapulisan ang mga tauhan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng Romblon na patuloy sa pagbabantay sa lagay ng mga stranded na pasahero.