Natupok ng apoy ang isang bahay sa Barangay Lamao sa bayan ng Romblon, Romblon nitong madaling araw ng Martes.
Ayon sa report ng Romblon Fire Station, bandang 2:30 nang magsimula ang apoy sa bahay ni Jolito Muros at mabilis na kumalat dahil gawa ito sa fire material.
Aabot sa halos P30,000 ang halaga ng natupok na bahay.
ADVERTISEMENT
Wala namang naitalang nasugatan sa insidente.
Patuloy na inaalam ng mga bombero ng Romblon Fire Station ang pinagmulan ng apoy.