Aabot sa P9,000 ang nawala di umano sa isang matandang lalaki sa Barangay Poblacion IV sa bayan ng Romblon, Romblon nitong linggo matapos nakawin sa loob ng bahay niya ang wallet nito.
Ayon sa pulisya, ang suspek ay isang menor de edad na mula pa Bagacay na nakilala di umano matapos makunan ng CCTV ng barangay na pumasok sa bahay ng biktima gamit ang bukas na sliding door.
Agad na dinala ang menor de edad sa opisina ng Municipal Social Welfare and Development Officer para sa intervention na gagawin sa bata.
ADVERTISEMENT