Nasawi ang isang batang babae noong September 17 sa Barangay San Roque sa Alcantara, Romblon matapos itong mahulog sa tulay at malunod.
Sa ulat ng Alcantara Municipal Police Station, bandang alas-4 ng hapon ng nabanggit na araw ay naglalakad ang biktimang 6-taong gulang at kanyang ate na 9-taong gulang sa isang lumang tualy sa Barangay ngunit sa halip na sa kalsada maglakad, ang biktima ay naglakad sa gilid ng tulay at aksidenteng nadulas dahilan para mahulog ito.
Nakita ang biktima nang mga sumaklolo rito ngunit idineklara itong dead on arrival nang isugod sa Don Modesto Formelliza Sr Hospital.