Naaresto sa pantalan ng Romblon, Romblon ng mga tauhan ng Coast Guard at ng Philippine National Police ang isang lalaking wanted sa kasong paglabag sa batas na nagbabawal sa iligal na droga.
Ang suspek ay kinilalang si Victor Aragon, residente ng Santa Cruz, Laguna.
Ayon sa report ng Coast Guard District Southern Tagalog, nakatanggap sila ng intel report mula sa Regional Intelligence Unit kaugnay sa namonitor nilang wanted person mula sa Barangay I ng bayan at inaasahang sasakay ng barko patungong Lucena.
Dito na sila nagplano katuwang ang Romblon Municipal Police Station at Police Provincial Drug Enforcement Unit.
Ang suspek ay dinala na sa Romblon Municipal Police Station para iharap sa korte.