Umarangkada na sa iba’t ibang paaralan ng Department of Education sa buong lalawigan ang Brigada Eskwela ’23.
Iba’t ibang mga volunteers mula sa gobyerno at ilang pribadong samahan ang nagsama-sama sa mga paaralan para sabayang maglinis bilang paghahanda sa pasukan sa susunod na linggo.
Sa bayan ng Banton, nagkaroon pa ng zumba dance sa pagsisimula ng Brigada Eskwela katuwang ang lokal na pamahalaan na pinangunahan ni Mayor Mely Faderanga.
Layunin nito na maihanda ang mga sasali sa buong linggong brigada sa Banton Central Elementary School.