Nagsagawa ng magkasunod na mobile caravan ang Professional Regulation Commission (PRC) Mimaropa sa mga bayan ng Romblon sa Romblon island, at sa San Agustin sa Tablas island nitong July 5 hanggang 7.
Ayon sa Public Employment Services Office (PESO) ng pamahalaang panlalawigan, tinanggap ng PRC Mimaropa ang mga professionals na gustong mag-renew ng kanilang mga lisensya, kumuha ng certificate, authentication ng result at iba pang PRC transaction.
Tumanggap rin sila ng application para sa mga kukuha ng September 2023 Licensure Examination for Professional Teachers at Criminology Licensure Exam.
Batay sa inisyal na ulat, lalagpas sa mahigit isang libong Romblomanon ang nakinabang sa mobile caravan na ito ng PRC Mimaropa.
Layunin ng mobile caravan na ito na mas mailapit sa publiko ang mag serbisyo nang Professional Regulation Commission lalo na at walang opisina ng PRC sa lalawigan.